Walang naitala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na “dangerous” heat index para bukas ng Linggo, Enero 9.
Base sa tala ng PAGASA, ang pinakamataas na heat index para sa Linggo ay 41°C na inaasahang mararanasan sa Cuyo, Palawan; Virac (Synop), Catanduanes; at Iloilo City, Iloilo.
Nakasailalim ang 41°C sa Extreme Caution level, kung saan posible raw dito ang “heat cramps” at “heat exhaustion.”
Samantala, maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C.
BASAHIN: Explainer: Ano ang ibig sabihin kung mataas ang ‘heat index’ sa isang lugar?