April 24, 2025

Home BALITA Politics

Marcoleta, nagtampo sa media

Marcoleta, nagtampo sa media
Photo Courtesy: Rodante Marcoleta (FB)

Naglabas ng hinanakit si senatorial aspirant at SAGIP Party-list Rep. Rodante Marcoleta dahil sa pandededma raw ng media sa kaniya sa ginanap na “National Rally for Peace” ng Iglesia Ni Cristo noong Enero.

Sa isang episode ng programang “Aplikante” ng News5 kamakailan, binanggit ni Marcoleta ang tungkol sa talumpati niyang binigkas sa nasabing rally na hindi umano iniulat ng ilang pangunahing broadsheets sa bansa.

Aniya, “I was one of the speakers. I spoke for about one hour. January 14, or the next day, it was supposed to be reported by the broadsheets.” 

“Philippine [Daily] Inquirer, ‘yong slogan niya. [...] ‘Balance news.’ What the hell I was not there?” tanong ni Marcoleta. “I was not even mentioned as if I did not exist. There were three reporters who wrote that report, nando’n ang pangalan because I kept the particular publication.”

Politics

Espiritu, pinuri si Bitoy dahil sa comedy sketch tungkol sa political dynasty

Dagdag pa niya, “Philippine Star. ‘Truth shall prevail.’ And there were eight reporters who reported that particular incident. Eight. So, eight plus three, eleven reporters. Nobody saw me in the rally. Nobody heard me. Why?”

Pero depensa ni “Aplikante” host at The Philippine Star editor-in-chief Amy Pamintuan, wala raw sinesensor na sinoman sa pinagsisilbihan niyang pahayagan.

“Kung nando’n siya sa story, pagsasama-samahin ‘yan, e.  Kung lahat ng reporter na ‘yon, pagsasama-samahin lahat ng story nila ng isang editor,” saad ni Amy.

Ayon naman sa isa pang host ng programa na si Ed Lingao, hindi raw lahat ng nagsasalita sa rally ay naiuulat.

Matatandaang ang “National Rally for Peace” na nilahukan ni Marcoleta ay isang pagkilos na naglalayong suportahan ang tindig ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. hinggil sa isyu ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

MAKI-BALITA: Ilang miyembro ng INC, nilinaw kanilang panawagan: 'Di away ang hanap namin'