March 31, 2025

Home BALITA National

Palace official: Lahat ng tulay na ginawa sa ilalim ng Duterte admin dapat ding inspeksyunin

Palace official: Lahat ng tulay na ginawa sa ilalim ng Duterte admin dapat ding inspeksyunin
photo courtesy: FPRRD (screenshot: PDP-Laban), Usec. Castro, PBBM (screenshot: PCO)

Iminungkahi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na dapat inspeksyunin ang lahat ng mga tulay sa bansa lalong-lalo raw ang mga naitayong tulay sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. 

Kasunod ito ng pagguho ng Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela noong Pebrero 27.

BASAHIN: 6 sugatan sa gumuhong bagong gawang tulay sa Isabela

Sa isang press briefing noong Huwebes, Marso 6, itinanong kay Castro kung ano ang magiging hakbang ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos upang hindi na maulit ang nangyari sa Isabela.

National

VP Sara, hiniling ‘kapayapaan sa puso, liwanag sa diwa, at kasiyahan’ para sa mga Muslim

Saad ng Palace official na ang unang gagawin ng administrasyon ay mag-imbestiga. 

"Ang unang gagawin po ng administrasyon ay imbestigahan po ito. Imbestigahan mula nang ito ay magkaroon ng design up to the time kung bakit pa ito itinuloy kung hindi na maganda ang design noong 2014," ani Castro.

"Bakit tinapos pa ito sa panahon ni dating Pangulong Duterte at sinasabi pa nilang Duterte legacy ito. Hindi lamang po doon hihinto, kung may liability rin po ang sinoman sa kasalukuyang administrasyon dapat din po managot.

"Pero ‘yan po iimbestigahan, kung mayroon bang pinagkakitaan dito not once, not twice, but many times—aalamin po ito ng Pangulo, aalamin po ito sa pamamagitan ng pag-imbestiga," dagdag pa niya.

Nagbigay rin ng suhestiyon si Castro na dapat daw lahat ng mga tulay ay inspeksyunin, lalong-lalo na ang mga naisagawa sa panahon noon ni Duterte.

"Maganda rin po na maibigay nating suggestion, at malamang ayan din po ang gagawin ng ating administrasyon, iinspect po hangga’t maaari. Lahat po with the help of the DPWH, LGUs, lahat po ng mga tulay. Lalong-lalo na po yung naisagawa sa panahon ni dating Pangulong Duterte dahil hindi po natin alam kung nagiging under design din po siya. Kailangan po lahat hangga’t maaari ay ma-inspect," pahayag niya. 

Matatandaang noon ding Huwebes nang puntahan ni Marcos ang gumuhong tulay at sinabing ang puno't dulo ng pagguho ay dahil sa "design flaw."

BASAHIN: Puno't dulo ng gumuhong tulay sa Isabela, 'design flaw' sey ni PBBM

Bukod dito, sinabi rin ni Pangulo na ang isa sa dapat managot ay ang nagdisenyo ng tulay.

BASAHIN: PBBM, sinagot ang tanong kung sino dapat managot sa gumuhong tulay sa Isabela

Ang Cabagan-Santa Maria Bridge ay sinimulan ng DPWH noong Nobyembre 2014 at natapos nito lamang Pebrero 2025, kung saan ang kabuuang halaga ng proyekto mula sa tulay at approaches ito ay may pondong P1,225,537,087.92.

KAUGNAY NA BALITA:  Kaninong administrasyon ang dapat managot sa gumuhong ₱1-bilyong halagang Cabagan-Sta. Maria Bridge?