May 21, 2026

Home BALITA National

'LottoMatik' ng PCSO, pwede nang magamit sa pagbili ng lotto ticket

'LottoMatik' ng PCSO, pwede nang magamit sa pagbili ng lotto ticket
PCSO/FB

Puwede nang makabili ng lotto ticket sa inilunsad na "LottoMatik" ng Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO). 

Noong MIyerkules, Marso 5, inilunsad ng PCSO ang LottoMatik, isang portable point-of-sale (device) para sa pagbebenta ng lotto.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles ang LottoMatik ay isang hakbang upang gawing accessible ang lotto sa publiko. 

Layunin ng LottoMatik na maabot ang mga lugar na kulang o walang lotto outlets upang mas maraming Pilipino raw ang magkaroon ng pagkakataong lumahok at manalo sa lotto games ng PCSO.

Makatutulong din umano ito sa mga taong gustong maging micro entrepreneur. 

National

PNP, susunod sa kautusan ng DOJ na ipatupad arrest warrant ng ICC vs Sen. Bato

Para sa mga interesado na maging Sub-Agent ng PCSO, maaari silang magsumite ng aplikasyon sa lottomatik.pcso.gov.ph o tumawag sa LottoMatik sa 0917-116-6180 (Globe) o 0968-302-3067 (Smart).