April 01, 2025

Home BALITA Eleksyon

'Dream team!' PBBM, pinakamapalad daw na Presidente 'pag nanalo buong Alyansa sa eleksyon

'Dream team!' PBBM, pinakamapalad daw na Presidente 'pag nanalo buong Alyansa sa eleksyon
Photo courtesy: Bongbong Marcos/Facebook

Muling ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang 12 senatorial aspirants ng Alyansa ng Bagong Pilipinas sa kanilang pangangampanya sa Pili, Camarines Sur nitong Biyernes, Marso 7, 2025. 

Sa kaniyang talumpati, tinawag ni PBBM na “dream team” daw ang mga pambato niya para sa nalalapit na 2025 midterm elections. 

“Halos ito na yung dream team kung tawagin sa pulitika kaya halos ito na yung dream team sa senado,” anang Pangulo. 

Dagdag pa niya, siya na raw ang pinakamasuwerteng Presidente ng bansa kung sakaling manalo nang isang buhat ang buong Alyansa. 

Eleksyon

Vilma Santos, dinedma kalabang sinabihan siyang ‘laos’ na

“Ako po sa palagay ko, ako na ang pinakamapalad na Pangulo kung sila ay mahahahalal lahat. Dahil kung 'yan ang mga kasamahan ko, napakarami po nating magagawa. Napakarami po kayong mararamdaman na mga benepisyo na nanggaling sa national government,” ani PBBM.

Matatandaang minsan nang sinabi ng Pangulo na target aniya ng administrasyon ang landslide win para sa kanilang partido.“What we want to be the result- of course we always think, it should be first, in the Senate 12-0, that's what we're after,” ani PBBM sa kaniyang talumpati Partido Federal ng Pilipinas (PFP) noong Enero 31, 2025. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, target ang landslide win sa kaniyag senatorial at local slate