April 23, 2025

Home SHOWBIZ Events

Pagrampa ni Nadine Samonte sa Milan Fashion Week, umani ng reaksiyon

Pagrampa ni Nadine Samonte sa Milan Fashion Week, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Screenshots from Nadine Samonte (IG)

Masayang-masaya ang Sparkle at Kapuso artist na si Nadine Samonte sa panibagong milestone sa kaniyang buhay matapos rumampa sa Milan Fashion Week 2025 kamakailan.

Ibinida ni Nadine ang itim at eleganteng modernized Filipiniana na creation ng Filipino designer na si Norman Malagueño Acuba sa naganap na "Timeless Beauty Fashion Show" noong Linggo, Marso 2, sa The Westin Palace sa Milan, Italy.

"Still on a high," caption ni Nadine sa kaniyang Instagram post kung saan mapapanood ang isang video clip ng paglalakad niya sa runway, kasama pa ang iba pang modelo. Siya ang huling tinawag para sa finale. 

Puring-puri naman si Nadine ng mga netizen lalo na't gandang-ganda raw sila sa face ng "Forever Young" actress.

Events

Ricky Lee, tinawag na 'rebelde' si Nora Aunor

"Ganda ganda, lutang ang kagandahan ng German-Filipino in Italy!"

"Mula nuon hanggang ngaun gibi shoes padin ganda"

"Sobrang ganda pdin since starstruck days up to now gorjas !"

"Walang kakupas-kupas si Nadine Samonte grabe... ganda!"

"You look amazing Nadine! Pleasure meeting you!"

"Grabe stunning and I love the dress!"

Sa kabilang banda, may mga nagbigay rin ng kritisismo sa kaniya na mababasa naman sa comment section ng ulat ng Fashion Pulis tungkol dito.

Maganda raw si Nadine, walang duda, subalit kailangan pa raw sigurong ma-improve ang paglalakad niya, batay sa mga komento ng netizens. May mga umokray pa sa mismong fashion show.

"Pumunta pa sya sa Milan para sa ganyang level ng show? Nag aksaya lang sya ng oras."

"Facecard Ang off mglakad sa runway."

"Eto na pala yung milan fashion week niya? Sorry na, fashion designer rin ako, pero bakit ganito parang nasa Nayong Filipino or World trade center lang na fashion show. Kaloka."

"Pretty girl, but the walk is giving 'may kukunin lang ako sa kusina.'"

"Sayang ang ganda kapangit ng lakad hahahah parang may bibilhin lang sa kanto"

"The walk could be better pero understandable she's not a model."

Samantala, may mga nagtanggol din naman kay Nadine sa bashers.

"Daming inggitera. Haha for me the show is mediocre. Pero hindi naman sila nag cclaim na same level sila ng popular high-end brands. The fact na she’s invited, she was able to work for something like this, she experienced something memorable. Dapat maging proud and happy na lang tayo for her. Kasi kayong mga inggitera, kahit classroom muse at rampa sa intrams sa school never kayo naging candidate. Hahaha"

"Hayan na nan yung mga mayayabang namamaliit na kulto alala mo hindi nag umpisa sa wala FW is for everyone."

"Let’s be happy for her. It’s still an achievement that not everyone can do."

"Ano ba ang iniexpect niyo? magrunway show siya? di naman yan model.Mga Pinoy talaga, no.1 basher ng kapwa."

"baka ayun talaga point ng designer? To showcase the authentic pinoy fashion ie sagala gown? Haha idk."

"FW needs to manage the expectations of Maritesses in the Philippines, most of who have zero knowledge in fashion lol."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Nadine tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.