April 03, 2025

Home BALITA Eleksyon

Death penalty sa high level drug traffickers, ikokonsidera ni Dela Rosa kapag nanalong senador

Death penalty sa high level drug traffickers, ikokonsidera ni Dela Rosa kapag nanalong senador
Photo Courtesy: Screenshot from One PH (YT), Pexels

Inihayag ng re-electionist na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang interes niyang maibalik ang parusang kamatayan bilang batas kung sakaling mananalong senador sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Matatandaang nauna nang pinawalang-bisa ang death penalty sa Pilipinas sa ilalim ng 1987 Constitution.

Kaya sa isang episode ng “Storycon” ng One PH noong Martes, Marso 4, sinabi ni Dela Rosa na ang malalaking drug traffickers umano ang pupuntiryahin ng parusang ito sa halip na mahihirap at small time pushers.

Ayon sa kaniya, “Itong death penalty na isinusulong ko, hindi po kasama dito ‘yong mga small time drug pusher, hindi po kasama dito ‘yong mga mahihirap na pusher.”

Eleksyon

Bam Aquino, nagpasalamat kay Doc Willie Ong sa pagsuporta sa kandidatura

“Ito ay nakatutok lamang for high level drug trafficking kung saan involve dito ‘yong malalaking drug lords. So, kaya ko po ini-specify na high level drug trafficking lang para maiwasan na ‘yong isyu ay ‘yong tatamaan ng bitay o ng death penalty ay ‘yong mga mahihirap lang,” dugtong pa ni Dela Rosa.

Bukod dito, binanggit din ni Dela Rosa ang parametro upang masabing high level drug trafficker ang isang tao.

“Kung makukunan ka ng one kilo, two kilos, three kilos, five kilos, you’re already high level drug trafficker,” aniya.

Dagdag pa ni Dela Rosa, “Sa shabu one kilo. Pero sa cocaine [...] will get the opinions of the resource persons that we’re going to invite during our committee hearings kung matuloy ‘yan.”