March 04, 2025

Home SHOWBIZ

Neri Miranda, abswelto na sa kasong syndicated estafa!

Neri Miranda, abswelto na sa kasong syndicated estafa!
Photo Courtesy: Neri Miranda (IG), Pexels

Ibinasura na ng Pasay City Regional Trial Court ang syndicated estafa na isinampa sa “Wais Na Misis” na si Neri Miranda ayon sa abogado nitong si Atty. Aureli Sinsuat.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Marso 4, pinasalamatan ni Sinsuat ang korte sa paglilinis ng pangalan ng kaniyang kliyente.

“We thank the courts for clearing the name of Neri Miranda, who has unmistakably been falsely accused of wrongdoing in the Dermacare case,” saad ni Sinsuat. 

Matatandaang Nobyembre 2024 nang kumpirmahin ng Southern Police District na isang aktres-negosyante na alyas “Erin” ang inaresto nila dahil umano sa paglabag sa securities regulation code.

Tsika at Intriga

Sexy Babe contestant na 'di alam kung ano ang Comelec, nag-tour sa opisina

MAKI-BALITA: Southern Police District, kinumpirmang may dinakip na aktres na alyas 'Erin'