“He remains a true inspiration for all of us to this day…”
Nagpahayag ng suporta si dating Vice President Leni Robredo kay senatorial candidate at Ramon Magsaysay Awardee Roberto “Ka Dodoy” Ballon.
Sa isang Facebook post, nagbahagi si Robredo ng ilang mga larawan nila ni Ballon mula sa nang bisitahin niya ito sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay noong 2021, hanggang sa nang bisitahin siya sa Naga nitong Lunes, Marso 3, 2025.
“Remember Ka Dodoy? He was the fisherman from Kabasalan, Zamboanga Sibugay, who brought life back to his hometown by planting 500 hectares of mangrove, which earned him the Ramon Magsaysay Award in 2021,” ani Robredo sa kaniyang post.
“Ka Dodoy is running for the Senate and visited me in Naga today. He remains a true inspiration for all of us to this day,” saad pa niya.
Matatandaang taong 2021 nang tanggapin ni Ballon ang Ramon Magsaysay Award matapos niyang pangunahan ang mga kapwa niya mangingisda noong 1986 para simulan ang Kapunungan sa Gamay ng Mangingisda sa Concepcion (KGMC) upang pagtuunan ang mangrove reforestation.
Kasalukuyang tumatakbo si Ballon bilang senador upang magsulong daw ng mga programang makabubuti sa bayan, lalo na sa mga “nasa laylayan at mga marginalized sector.”
Inaasahang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12.