Kinansela ng ilang lokal na pamahalaan ang face-to-face class ngayong Lunes, Marso 3, 2025 dahil sa inaasahang high heat index.
Batay sa pinakahuling heat indez forecast ng PAGASA, inaasahang papalo sa 46°C ("danger" range) ang temperatura sa Metro Manila ngayong Lunes.
Mararanasan din sa Clark Airport sa Pampanga at Science Garden sa Quezon City ang 46°C, habang 45°C naman sa CLSU Muñoz, Nueva Ecija.
WALANG PASOK NG FACE-TO-FACE CLASSES:
CALOOCAN CITY
- Kinder hanggang senior high school (public school). Mag-shift sa asynchronous o blended learning classes.
VALENZUELA
- Pre-school hanggang senior high school. Mag-shift sa asynchronous o blended learning classes.
MALABON
LAS PIÑAS
- All levels public and private. Mag-shift sa asynchronous o blended learning classes.
PARAÑAQUE
- All levels public and private. Mag-shift sa asynchronous o blended learning classes.
MAYNILA
- Afternoon classes. All levels public and private.
---
I-refresh lamang ang link na ito para sa #WalangPasok updates!