Nagpaabot ng bukas na mensahe ang social media personality at “Pambansang Lalaking Marites” na si Xian Gaza sa ina ni Kathryn Bernardo na si Min Bernardo.
Sa Facebook post ni Xian nitong Lunes, Marso 3, tinanong niya si Mommy Min kung gusto raw ba niyang magaya si Kathryn sa singer-songwriter na si Jake Zyrus.
“Mommy Min Bernardo, nasa hustong edad na po yung anak mo. 28 years old na si Kathryn. Alam na niya ang tama at mali,” saad ni Xian.
Dagdag pa niya, “Bakit mo po pinagbabawalang kausapin si DJ? Bakit mo po siya kinokontrol? Gusto mo po bang magaya siya kay Jake Zyrus?”
Matatandaang kamakailan lang ay itsinika ni Xian na nagkaayos na raw sina Daniel at Kathryn.
MAKI-BALITA: Xian Gaza, may 'konpirmd 99%' tsika tungkol sa pagkakaayos ng KathNiel
Ngunit sa kalagitnaan ng tsikang ito ay nagpaalala si Mommy Min na huwag daw magpapaniwala sa mga pekeng balita.
MAKI-BALITA: Nakipag-ayos kay Daniel? Madir ni Kathryn, may mensahe sa humohopiang fans ng anak!