June 06, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Tom Rodriguez, 'pinagalitan' sa pasilip sa umano'y mag-ina niya: 'Need pa i-zoom!'

Tom Rodriguez, 'pinagalitan' sa pasilip sa umano'y mag-ina niya: 'Need pa i-zoom!'
Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG)/via Fashion Pulis (FB)

Usap-usapan ng mga netizen ang Instagram story kamakailan ng Kapuso actor na si Tom Rodriguez kung saan makikita ang isang babaeng may kargang bata, habang nasa dagat.

Medyo malayo ang shot mula sa dalampasigan kaya hindi naman kita ang mukha ng babae at bata, na sinasabing "mag-ina" o partner at baby ni Tom, ayon sa espekulasyon ng mga netizen.

Kaya naman, tila "pinagalitan" pa ng mga marites si Tom dahil "pinahirapan" pa raw sila sa pagsagap ng tsika, dahil kailangan pang i-zoom o lakihan ang larawan para masilip ang mukha nila.

Isa pa, kahit i-zoom in pa raw, wala ring mapapala dahil nakatalikod naman sila sa camera.

Tsika at Intriga

Toni Fowler, naurirat ni Bea Borres kung nakipag-threesome na

Photo courtesy: Tom Rodriguez (IG) via Fashion Pulis (FB)

Pero sey pa rin ng mga miron, mukhang afam daw o foreigner ang girl.

"Sa mga nagbabalak magzoom. Nakatalikod wala din kayo makikita."

"Sino kaya si girl"

"Parang foreigner yung body structure?"

"So happy for you Tom! You are becoming better every single day. God bless and your family."

"Salamat sa photo Tom. Wala na bang ilalayo yan?"

"Kailangan ko pa mag-zoom kainis."

"I-close up na yan Tom! Be brave! Be bold! Let's go hahaha"

"I think sinadya niya yang napakalayong shot for the pleasure of tsismosas like us. Alam niyang curious tayong malaman kung sino ang nanay ng anak niya kaya pinapatakam niya tayo with that kind of post. It's a way for him to stay relevant as well."

Matatandaang inamin na ni Tom sa panayam sa "Fast Talk with Boy Abunda" na masaya ang lagay ng puso niya, at batay sa mga cryptic post niya noon pa man, ay tila sinasabi niyang may baby boy na siya.

MAKI-BALITA: ‘Baby post’ ni Tom Rodriguez, soft launch bang may anak na siya?

Sa panayam naman sa kaniya ni GMA showbiz news reporter Nelson Canlas, kinumpirma ni Tom na tatay na siya.

MAKI-BALITA: Tom Rodriguez umaming tatay na!