Nasa walong pamilya ang naapektuhan ng sumkilab na sunog sa Pandacan Maynila, noong linggo, Marso 2, 2025, kung saan kasama sa mga natupok ang 13 pusa.
Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, sinasabing nagsimula ang sunog sa isang dalawang palapag na bahay na nakaapekto sa walong pamilya at pagkasira ng anim na estraktura sa lugar.
Lumalabas umano sa imbestigasyon na posibleng nagsimula ang sunog sa isang karinderya na nasa ground floor ng nasabing dalawang palapag na bahay. Ayon pa umano sa salaysay ng ilang residente, ang naiwang inihaw mula sa naturang karinderya ang ang nagsanhi ng sunog.
Samantala, isa sa mga residente naman ang wala umanong naisalbang gamit mula sa sunog, kabilang ang kanila raw 13 alagang pusa.
Nagbabala naman ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko hinggil sa mga pagsiklab ng sunog ngayong Fire Prevention Month.
"Doblehin po natin ang pag-iingat at maging mapanuri po tayo or maging maingat po tayo sa lahat ng ating galaw lalo na kapag nagluluto tayo or meron tayong ginagamit na possible na pupuwedeng mag-cause ng apoy. At the same time, meron tayong first aid fire protection equipment gaya ng fire extinguisher para maiwasan ang ganitong sakuna," anang BFP.