May 20, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Raquel Pempengco tanggap na 'Evil Queen' siya, nagpasaring kay Jake Zyrus?

Raquel Pempengco tanggap na 'Evil Queen' siya, nagpasaring kay Jake Zyrus?
Photo courtesy: Jake Zyrus (IG)/Screenshot from Morly Alinio (YouTube) via Balita

Tila nagpatutsada si Raquel Pempengco sa kaniyang bashers, at espekulasyon ng netizens, maging sa kaniyang anak na si Jake Zyrus, dahil sa ilang maselang detalyeng lumabas sa libro niyang "I Am Jake."

Sa Facebook post ni Raquel, Linggo, Marso 2, sinabi niyang tanggap na raw niya ang pangalan sa kaniyang "Evil Queen."

"Kuwento niyo 'yan, malamang masama ako diyan. Pero hindi ko alam ang kuwentong 'yan. Sanay na akong tawaging masama. Kung 'yan ba ikakasaya niyo. Tanggap ko na ang pangalang kong EVIL QUEEN," mababasa sa Facebook post ni Raquel.

Bagama't walang pinangalanan, tila nagpasaring naman daw si Raquel sa kaniyang anak na si Jake, sa kaniyang "PS" o pahabol na mensahe.

"Anjan ka sa kinalalagyan mo dahil sa EVILQUEEN na to. Dahil sa masamang INA na to... kahit ilang libro pa ilabas hinde na maibabalik ang ikaw na mismo ang sumira...Sige pa magalit pa kayo hanggang sa atakihin kau," aniya pa.

Tsika at Intriga

BINI, nagpasalamat sa pagkilala ng Kamara; pic kasama sina HS Bojie, Rep. Sandro usap-usapan

Photo courtesy: Raquel Pempengco (FB)

MAKI-BALITA: Raquel Pempengco, pinasinungalingan mga pasabog ng anak sa libro?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Jake sa pasaring ni Raquel patungkol sa kaniyang libro.