June 12, 2025

Home BALITA National

PBBM, ibinidang ‘totoong tao’ supporters nila: ‘Hindi lang ito mga keyboard warrior o troll!’

PBBM, ibinidang ‘totoong tao’ supporters nila: ‘Hindi lang ito mga keyboard warrior o troll!’
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB screengrab

“Mga totoong tao po sila…”

Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na natutuwa siyang makita ang kanilang mga tagasuporta na “tunay na mga tao” raw at hindi mga “mga keyboard warrior o troll.”

Sa kaniyang vlog nitong Linggo, Marso 2, sinabi ni Marcos kapag may bakante raw sa kaniyang schedule ay sinasamahan niya ang kaniyang mga iniendorsong senatorial candidates sa ilalim ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas.

“Ang isa sa mga kinatutuwa ko sa mga rally na pinupuntahan namin ay nakikita ko

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO

mismo yung mga sumusuporta sa atin sa Alyansa,” ani Marcos.

“Sila ay tunay na mga tao, tunay na Pinoy. Hindi lang ito mga keyboard warrior o troll. Mga totoong tao po sila. Kinakamayan natin, nakakausap natin at nakukumusta,” dagdag niya.

Samantala, nagpaalala rin ang pangulo sa publiko tungkol sa mga maling impormasyon o tinatawag nilang “fake news” na naglilipana raw lalo na tuwing panahon ng kampanya.

“Kakambal ng kampanya ay ang mga intriga at batuhang putik na tinatawag na ‘fake news.’ Kaliwa’t kanan na rin ‘yan. Kaya dapat maingat tayong mga mamamayan,” ani Marcos.

“Sabi nga natin, ang bagong Pilipino ay marurunong kumilatis sa tama at maling impormasyon. Kaya ngayon, laganap na naman ang fake news at disinformation. Dapat extra ingat lang po tayo sa mga nababasa natin online. Pero hindi rin naman ‘yan mahirap,” saad pa niya.

Binubuo ang Alyansa slate na iniendorso ni Marcos nina dating Senate President Tito Sotto III, dating Senador Ping Lacson, dating Senador Manny Pacquiao; reelectionists na sina Senador Lito Lapid, Senador Bong Revilla, Senador Pia Cayetano, Senador Francis Tolentino, Senador Imee Marcos; maging sina Makati City Mayor Abby Binay, ACT-CIS Party-List Rep. Erwin Tulfo, Las Piñas City Lone District Rep. Camille Villar, at dating Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary Benhur Abalos.

Inaasahan namang isasagawa ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.