May 18, 2026

Home BALITA National

Pangasinan, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol

Pangasinan, niyanig ng 4.5-magnitude na lindol
Courtesy: Phivolcs/FB

Niyanig ng 4.5-magnitude na lindol ang probinsya ng Pangasinan nitong Lunes ng umaga, Marso 3, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:11 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 15 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Agno, Pangasinan, na may lalim na 18 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity III sa Bani, Pangasinan.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Suspek sa genocide na nililitis sa international court sa The Hague, patay na!

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.