June 11, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Mommy pa tawag: Kiray inangkin na ng jowa, 'My soon to be wife!'

Mommy pa tawag: Kiray inangkin na ng jowa, 'My soon to be wife!'
Photo courtesy: Stephan Estopia (FB)

Kinakiligan ng mga netizen ang Facebook post ni Stephan Estopia para sa kaniyang girlfriend na si Kapuso artist Kiray Celis, matapos niyang sabihing malapit na niyang maging asawa ang komedyana.

Sa Facebook post niya noong Marso 1, ibinida ni Stephan ang larawan ng jowa habang nakaupo sa isang couch at gumagamit ng cellphone.

"My soon to be wife," mababasa sa caption.

Sa comment section naman ay bumaha ng pagbati para sa dalawa.

Relasyon at Hiwalayan

Nakaiskor na ba? Kristel nahiya sa pulot-gata nila ng Oppa hubby

Sa isa pang Facebook post ay hayagan na ngang tinawag na "Mommy" ni Stephan si Kiray.

"It's not being in love that makes me happy. It's being in love with you thats make me happy. I love you always mommy," aniya.

Bagama't wala pang anunsyo mula sa dalawa, tanong tuloy ng mga netizen, malapit na bang ikasal ang dalawa? Iyan ang dapat sigurong pakaabangan.