June 10, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Isyu ng contestant na 'di alam ang Comelec, nagbukas ng kumbersasyon sa educational crisis

Isyu ng contestant na 'di alam ang Comelec, nagbukas ng kumbersasyon sa educational crisis
Photo courtesy: Screenshots from Kapamilya Online Live (YT)

Nagpahayag ng kaniyang mga natutuhan si Unkabogable Star Vice Ganda hinggil sa segment na "Showtime Sexy Babe" matapos mag-viral ang isang contestant na hindi "knowledgable" sa Commission of Elections (Comelec) nang matanong siya tungkol dito sa Q&A portion.

Sa ginanap na grand finals, sinabi ni Vice Ganda na may dalawa raw siyang na-realize matapos ang segment.

Una raw, patunay ang segment na maraming magaganda sa Pilipinas.

Pangalawa, talaga raw may "systemic educational problem" ang bansa, na sa palagay ni Vice, maganda na ring nangyari sa show upang pagmulan ng mga kumbersasyon.

Tsika at Intriga

Pura Luka Vega sa pagkaabswelto ng kaso: 'Nanaig ang hustisya!'

"Napakarami talagang magagandang nilalang sa Pilipinas. At 'yong pangalawa, may systemic educational problem ang Pilipinas, iyon ang na-realize ko," anang Vice Ganda.

"May educational problem, may educational crisis sa Pilipinas na dapat nating i-address."

Dapat daw sanang mabuksan ang isipan ng mga tao kung bakit nga ba ganoon ang nangyari, dahil maaaring marami rin ang hindi nakakaalam kung ano ang Comelec at iba pang mga bagay, na puwedeng sa isang lugar, sa isang paaralan, sa isang barangay, sa buong distrito, o sa buong Pilipinas.

Naiugnay pa ito ng It's Showtime hosts sa paparating na eleksyon, na ilan kaya sa kabataang botante ang "hindi informed"

"'Yong mga magulang, informed din kaya 'yong mga magulang? 'Yong bata lang kaya 'yong hindi informed o mga magulang. O 'yong buong klase. O 'yong buong eskuwelahan? 'Yong buong barangay? 'Yong buong distrito? O baka buong Pilipinas na ito? Gaano na kalaki ang crisis na ito for now, kaya magandang napag-uusapan natin. Iyan ang pinakamagandang nangyari, for me, hindi man masyadong masaya pero at least it started a conversation," anang Vice Ganda.

Samantala, nakarating naman na sa kaalaman ng Comelec ang insidente at inanyayahan nila ang contestant sa isang guide tour.

KAUGNAY NA BALITA: Vice Ganda na-realize, may systemic educational problem sa Pilipinas!