June 09, 2025

Home BALITA Eleksyon

Ilang krimen na may kinalaman sa eleksyon, umabot na sa 29 kaso—Comelec

Ilang krimen na may kinalaman sa eleksyon, umabot na sa 29 kaso<b>—Comelec</b>
Photo courtesy: Comelec/website and Pexels

Inihayag ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erin Garcia na mayroon na umanong naitalang 29 kaso ang Philippine National Police (PNP) na "election-related violent incidents” (ERVIs) sa bansa.

Sa panayam ng media kay Garcia nitong Lunes, Marso 3, 2025, iginiit niyang ang datos na nagmula sa PNP ay naitala mula Oktubre 2024 hanggang Marso 1 ngayong taon. 

"Sa kasalukuyan, base sa kanilang datos mula pa October hanggang March 1, 29 na election-related violence na ang nakalap nila," ani Garcia. 

Paglilinaw pa niya, hindi pa umano kasama sa kasalukuyang bilang ng ERV ang mga krimeng nangyari sa Abra at Lanao del Sur.

Eleksyon

SOCE, ipasa na! — Comelec

"Mukhang hindi pa kasama yung nangyari sa Abra noong isang araw at sa Lumba, Lanao del Sur, so sabi natin, mukhang nararapat na ito kaagad ay dapat i-amend, baguhin at i-update base sa mga recent pangyayari," anang Comelec chairman. 

Nabanggit din ni Garcia na isa umano ang Bangsamoro sa mga rehiyong nakapagtatala ng karahasang may kaugnayan sa paparating na eleksyon. 

"At the same time, napunto din ng inyong lingkod sa atin pong pamunuan ng PNP yung sa palagay natin ay medyo tumataas na insidente ng karahasan diya. Sinasabi natin na halos wala na distinction kasi kung 'yan ay election-related violence o simpleng krimen sapagkat kapag ang biktima ay isang nakaupo o tumatakbo o kamag-anak ng nakaupo ay talagang ang publiko, iko-consider 'yan na election-related violence," saad ni Garcia. 

Samantala, nasa 38 lugar naman sa bansa ang nasa ilalim na umano ng "red category" o nangangahulugang may mataas na tiyansa ng dahas at krimen kaugnay ng eleksyon. 

Sa ilalim red category, 32 mula sa 38 na mga lugar ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), dalawa ang mula sa Cagayan Valley at rehiyon ng Bicol hangang tig-isa naman sa Western Visayas at Eastern Visayas. 

“Titignan natin yung ibang loopholes at saka yung dapat na mga adjustments na ginagawa. Napakataas na ng posibilidad na magkaroon ng changes sa categorization, classification ng ibang parte ng ating bansa lalo na sa recent cases ng karahasan na sinasabi natin mukhang yung dating 38 na areas of concern baka pupwede din magbago," ani Garcia.