Isang babae sa Zamboanga del Norte ang bigla na lamang daw tumalon sa dagat. Dahilan? Hindi umano siya binilhan ng kaniyang boyfriend ng milktea.
Base sa ulat ng News5, nakuhanan sa video ang pilit na pag-ahon ng lalaki sa babaeng tumalon sa dagat.
Dahil sa laki ng mga alon nang mga sandaling iyon, rumesponde na rin umano ang mga rescuer para tumulong sa pagsagip.
Pinagsuot pa raw ng life jacket ang babae hanggang sa tuluyan na maiahon sa dagat.
Dagdag ng ulat, nakainom umano ang babae nang mangyari ang insidente.