Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang easterlies, o ang mainit na hanging nagmumula sa karagatang Pasipiko, ang nakaaapekto sa buong bansa ngayong Lunes, Marso 3.
Base sa weather update ng PAGASA kaninang 4:00 ng madaling araw, inihayag ni Weather Specialist Rhea Torres na mayroon silang namataang kumpol ng kaulapan sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao dulot ng easterlies.
Dahil dito, inaasahang makararanas ng mga kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, at Davao Oriental.
Malaki rin naman ang tsansang magdadala ang easterlies ng maaliwalas o mainit na panahon na may posibilidad ng panandaliang buhos ng ulan o thunderstorms sa Metro Manila at mga natitirang bahagi ng bansa.
Kaugnay nito, posible raw maranasan sa Metro Manila ang 46°C heat index ngayong Lunes.
MAKI-BALITA: 46°C heat index, posibleng maranasan sa Metro Manila ngayong Marso 3