Inaasahang mararanasan ang “dangerous” heat index sa Dagupan City, Pangasinan bukas ng Martes, Marso 4, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Sa tala ng PAGASA nitong 5:00 ng hapon, umabot sa heat index na 42°C ang Dagupan nitong Lunes.
Inaasahan pa rin daw na aabot sa 42°C ang heat index sa naturang lugar, kung saan ito lamang ang lugar sa bansa pasok na inaasahang pasok sa “danger level.”
Paliwanag ng ahensya, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Maaaring malagay sa “danger” level ang mga heat index mula 42°C hanggang 51°C dahil posible rito ang “heat cramp” at “heat exhaustion.”
“Heat stroke is probable with continued activity,” saad pa ng PAGASA.