June 10, 2025

Home FEATURES

ALAMIN: Mga dapat gawin sa gitna ng sunog

ALAMIN: Mga dapat gawin sa gitna ng sunog
Photo Courtesy: Pexels

Deklarado bilang “Fire Prevention Month” ang buwan ng Marso sang-ayon sa Presidential Proclamation No. 115-A s. 1966 na pinirmahan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. 

Layunin nitong makapagbigay ng kamalayan hinggil sa kaligtasan sa gitna ng sunog at kung paano ito maiiwasan. 

Bukod dito, itinalaga rin ni dating Pangulong Corazon Aquino ang Marso bilang “Burn Prevention Month” sa bisa ng Proclamation No. 360, s.1989.

Kaya alamin kung ano-ano nga ba ang mga batayang hakbang o dapat gawin sa oras na may mangyaring sunog batay sa inilabas na abiso ng Philippine Information Agency.

Human-Interest

Doktora, iniligtas SUV driver na nawalan ng malay habang nagmamaneho

* Stay calm and act quickly

Ang pagpapanic ay pwedeng maging sanhi para hindi makapagdesisyon nang maayos. Kaya kumalma at humingang malalim upang maituon ang atensyon sa ligtas na paglikas.

* Activate the fire alarm

Pindutin ang fire alarm upang mabigyang-babala ang iba pang kasamahang nasa loob ng gusali.

* Alert others

Ipabatid sa ibang kasama ang nangyayaring sunog at tiyaking makakalikas din sila.

* Use the stairs, not the elevators

Mataas ang posibilidad ng panganib kung sasakay sa elevator habang nangyayari ang sunog. Kaya mas piliin na lang na dumaan sa hagdan ng gusali.

* Test doors before opening

Bago magbukas ng anomang pinto, suriin muna kung mainit ito. Kasi kung oo, ibig sabihin, may apoy sa kabilang panig. Huwag bubuksan.

* Stay low under smoke

Gumapang o yumuko upang maiwasang makalanghap ng usok at makalabas nang may malay.

* Close doors behind you

Isarado ang bawat pintong dadaanan palabas para hindi kumalat nang mabilis ang apoy.

* Use a fire extinguisher for small fires

Kapag maliit ang apoy at may kasanayan sa paggamit ng fire extinguisher, gamitin ito. Alalahanin ang PASS technique: Pull the pin, aim at the base, squeeze the handle, and roll over to smother the flames.

* Stop, drop, and roll

Kung nasilaban ang damit, huminto muna. Pagkatapos, humiga sa sahig o lapag at takpan ang mukha ng kamay. Igulong ang sarili hanggang mamatay ang apoy na kumapit sa damit.

* Do not re-enter the building

Kahit ano pa man ang dahilan, kapag lumabas na, huwag nang bumalik pa dahil baka lalong masaktan, or worse, mamatay. Hintayin ang emergency personnel hanggang ideklara nito na ligtas na ang gusali.