Posibleng maranasan sa Metro Manila ang 46°C heat index ngayong Lunes, Marso 3, base sa pinakahuling forecast ng PAGASA.
Sa 5:00 p.m. heat index forecast ng PAGASA noong Linggo, Marso 2, posibleng pumalo sa 46°C ang heat index sa Science Garden sa Quezon City ngayong Lunes hanggang bukas, Martes, Marso 4.
Mararanasan din ang 46°C sa Clark Airport sa Pampanga habang 45°C sa CLSU sa Muñoz, Nueva Ecija.
Nilinaw naman ng PAGASA na ang temperatura mula 33°C hanggang 41°C ay nasa "extreme caution," ngunit kung ang temperatura ay papalo sa 42°C hanggang 51°C ito ay kinokonsiderang nasa "danger level."
Samantala, nagpaalala ang Department of Health (DOH) nitong Lunes tungkol sa mga sakit na maaaring maranasan dahil sa mataas na temperatura, kagaya ng "heat cramps, heat exhaustion" na maaari daw mauwi sa "heat stroke."