Hinikayat ni Vice President Sara Duterte ang Muslim community na magdasal para sa “kapayapaan” at “kapatawaran," sa kaniyang pakikiisa sa pagsisimula ng Ramadan nitong Linggo, Marso 2.
Sa kaniyang video message, hiniling ni Duterte ang kapayapaan at prosperidad para sa mga kapatid na Muslim sa bansa at iba pang dako ng mundo.
“In the name of Allah, the Most Gracious and Merciful, may mercy, peace, and blessings be upon our Muslim brothers and sisters across the country and around the world during the holy month of Ramadan,” anang bise presidente.
“As we mark this holy month of fasting for Muslim Filipinos, we are all called to reflect on the values of sacrifice and obedience as cornerstones to a path leading to enlightenment and grace.”
Hinikayat din ni Duterte ang Muslim community na mag-alay ng panalangin para sa pagkakaisa at kapatawaran, patungo sa isang inklusibong hinaharap para sa mga Pilipino.
“I urge our Muslim brothers and sisters to help us pray for peace and forgiveness as we navigate every adversity we face in our personal lives and as a nation,” ani Duterte.
“May the spirit of Ramadan guide your prayers and reflections while we look forward with profound hope and optimism to an inclusive and dignified future for every Filipino,” saad pa niya.
Nitong Linggo opisyal na sinimulan ng Muslim community ang Ramadan matapos daw hindi makita ang crescent moon noong Biyernes, Pebrero 28.