March 31, 2025

Home BALITA National

Romualdez, nakiisa sa Ramadan; nanawagan ng ‘unity’ at ‘compassion’

Romualdez, nakiisa sa Ramadan; nanawagan ng ‘unity’ at ‘compassion’
(MB file photo)

“At a time when division threatens unity, let us choose to uplift one another…”

Nagpaabot ng pakikiisa si House Speaker Martin Romualdez sa Muslim community sa gitna ng pagsisimula ng Ramadan, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng “unity” at “compassion.”

Sa kaniyang mensahe nitong Sabado, Marso 1, sinabi ni Romualdez na isang panahon ang Ramadan para sa pagninilay-nilay, pananalangin at pagdisiplina sa sarili.

“As we welcome the holy month of Ramadan, I extend my warmest greetings to our Muslim brothers and sisters across the country,” pahayag ni Romualdez.

National

Batangas, niyanig ng magnitude 4.6 na lindol

“Ramadan is a time of deep reflection, prayer, and self-discipline—a sacred period that strengthens faith and brings communities together. It reminds us of the values that unite us as a people: faith, perseverance, compassion, and unity.”Kinilala rin ng House leader ang debosyon at dedikasyon daw ng mga Pilipinong Muslim sa naturang sagradong okasyon.

“Sa buwan ng Ramadan, lalo pang pinatitibay ng ating mga kapatid na Muslim ang kanilang pananampalataya sa Diyos, pagmamahal sa kapwa, at diwa ng pagbibigay. Ang kanilang pagsasakripisyo at taimtim na pananalangin ay isang inspirasyon sa ating lahat,” aniya.

“Sa panahong ito ng banal na pag-aayuno at pananalangin, nawa’y ating pahalagahan ang diwa ng Ramadan—ang pagbabalik-loob sa Diyos, ang pagdamay sa nangangailangan, at ang pagtitiis na may pananampalataya.”

Samantala, binigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng pagbibigayan hindi lamang daw sa materyal na mga bagay, kundi sa pasensya, pag-unawa, at pagiging mabuti sa ibang tao.

“Ramadan also teaches us the virtue of generosity—not only in material giving but also in kindness, patience, and understanding. This is a lesson we can all embrace, regardless of faith, to build a society founded on compassion, justice, and mutual respect,” saad ni Romualdez.

“At a time when division threatens unity, let us choose to uplift one another, strengthen our communities, and promote peace—just as our Muslim brothers and sisters embody during this sacred month.”

Hinikayat din ng House speaker ang mga Pilipinong ituring ang Ramadan bilang oportunidad daw para magsama-sama at muling pagtibayin ang halaga ng kapayapaan, katarungan at pananampalataya.

“Sa diwa ng pagkakaisa at kapayapaan, nawa’y gamitin natin ang Ramadan bilang pagkakataon upang magbuklod bilang isang bayan. Magsilbing gabay nawa sa ating lahat ang pagpapahalaga sa kapayapaan, katarungan, at pananampalataya, at patuloy tayong magtulungan tungo sa mas maunlad at makatarungang lipunan para sa lahat,” ani Romualdez.

“With this, I wish our Muslim brothers and sisters a blessed and spiritually fulfilling Ramadan. May this holy month bring you inner peace, renewed faith, and the boundless mercy of Allah,” saad pa niya.