Usap-usapan ang Facebook posts ni Raquel Pempengco patungkol sa kumakalat daw na "fake news" na nakasaad mula raw sa isang libro.
“Meron n nmang fake news. Galing daw isang libro. Mga bashers hinde updated yang libro na yan… Abangan nio ako ang mag uupdate ng libro na yan… Sari sari na lng issue nio, Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba. Baka magulat kayo kapag ako nagkwento…" mababasa sa Facebook post ni Raquel noong Sabado, Marso 1.
"Kaya tumigil na kayo sa kaka fake news na yan… Mga salot ng Lipunan… Nababawasan tuloy ng konte ang ganda ko… Konte lng nman,” aniya pa.
Sa isa pang Facebook post, tila nagparinig naman siya sa isang taong "walang utang na loob."
“Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob… sila na magdadala ng lahat… the truth still prevails..." aniya pa.
Bagama't walang binanggit na pangalan, espekulasyon ng mga netizen, tungkol dito sa rebelasyon ng anak na si Jake Zyrus (dating Charice Pempengco) sa kaniyang libro na nakaranas siya ng pangmomolestya noong bata pa lamang siya, sa kamay ng kaniyang uncle, na itinuring daw niyang pangalawang ama.
Nang sabihin daw ni Jake sa kaniyang ina ang tungkol dito, nagalit pa raw ito sa kaniya at mas pinaniwalaan daw ang kaniyang uncle.
KAUGNAY NA BALITA: Xian Gaza, nadurog sa rebelasyon ni Jake Zyrus