April 04, 2025

Home BALITA National

LTO enforcers sasailalim umano sa 'retraining' matapos ang viral video sa Bohol

LTO enforcers sasailalim umano sa 'retraining' matapos ang viral video sa Bohol
Photo courtesy: LTO/Facebok

Nais umano ni Land Transportation Office (LTO) Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II na sumailalim sa refresher courses ang lahat ng LTO enforcers sa bansa, matapos ang viral video na naganap sa Panglao, Bohol na kinasangkutan ng ilang LTO enforcers at isang magsasaka. 

Sa inilabas na pahayag ng LTO nitong Linggo, Marso 2, 2025, iginiit nilang magkakaroon umano ng retraining ang LTO enforcers sa bansa, upang masigurong hindi na raw mauulit ang naturang insidente. 

“The incident that happened in Bohol calls for a deeper and systematic approach to ensure that this will not happen again in the future. So we will be holding retraining for all LTO enforcers nationwide, and it’s mandatory,” ani Mendoza. 

Matatandaang usap-usapan ang nagkalat na video sa social media, kung saan nasa limang enforcers ang humuli sa nasabing magsasaka, matapos umano siyang mahulihan ng kutsilyo. Nahagip din ng video ang tila akmang pag-unday ng kutsilyo ng isang enforcer mula sa gamit ng biktima habang hawak niya ito sa leeg. 

National

Gabriela sa joke ng Pasig bet sa single moms: ‘Di katanggap-tanggap at lalong ‘di nakakatawa!’

KAUGNAY NA BALITA: Netizens, rumesbak sa viral video ng paghuli ng LTO enforcers sa isang magsasaka: 'Ang sahol!'

Ayon pa sa LTO, kabilang umano sa pagtutuunan ng pansin ng refresher courses para sa LTO law enforcers ay patungkol sa human rights at ligtas na road safety regulations. 

Samantala, noong Sabado, Marso 1, nang magbaba rin ng kautusan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na ipasuspende ang lahat ng LTO enforcers na sangkot sa nasabing viral video sa Bohol habang umuusad ang kanilang imbestigasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: DOTr Sec. Dizon, ipasususpinde sangkot na LTO enforcers sa viral video ng magsasaka