April 22, 2025

Home BALITA National

HS Romualdez, nakiisa sa Women's Month: 'Hindi matatawaran ang ambag ng kababaihan'

HS Romualdez, nakiisa sa Women's Month: 'Hindi matatawaran ang ambag ng kababaihan'
Photo courtesy: Martin Romualdez/Facebook and Pexels

Nagpaabot ng pakikiisa si House Speaker Martin Romualdez hinggil sa komemorasyon ng Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Sa inilabas niyang press release nitong Linggo, Marso 2, 2025, binigyang-diin niya ang hindi umanong matatawarang kontribusyon ng mga Pilipina sa bansa. 

“This Women’s Month, we celebrate the strength, resilience, and invaluable contributions of Filipino women who continue to shape our nation. Whether as mothers, educators, workers, entrepreneurs, or leaders, their dedication is the backbone of our society,” anang House Speaker. 

Kaugnay nito, iginiit din ni Romualdez na ang Women’s month ay hindi lamang umano limitado sa selebrasyon, bagkus ay isa raw itong pagkakataong umaksyon para sa karapatan ng kababaihan sa lahat ng sektor. 

National

ITCZ, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

“But this celebration goes beyond recognition—it is a call to action. We must continue breaking barriers, ensuring equal opportunities, and empowering women in every sector. The House of Representatives remains committed to enacting laws that protect women’s rights, eliminate discrimination and violence, and promote their leadership in governance and nation-building,” ani Romualdez. 

Dagdag pa niya,”Sa bawat yugto ng ating kasaysayan, hindi matatawaran ang ambag ng kababaihan. Mula sa tahanan hanggang sa larangan ng ekonomiya, edukasyon, politika, at serbisyo publiko, sila ang nagbibigay-lakas at malasakit sa ating lipunan. Ang kanilang talino, sipag, at determinasyon ay pundasyon ng ating patuloy na pag-unlad.”