Inamin ni Kapuso Sparkle artist Faith Da Silva na totoo raw ang paratang sa kaniya na siya ay malandi.
Sa latest episode kasi ng vodcast na “Your Honor” noong Sabado, Marso 1, napag-usapan ang tungkol sa umiiral na kumparahan ng mga babae sa kapuwa nila babae.
Mayro’n nga ako nabasa—I don’t know kung nabasa n’yo rin ‘to—sa Reddit din yata. Sabing gano’n ng girl, ‘Oh, my God I’m gonna dress up really nice because all you boys are going to ridicule what I wearing if I don’t do it right,’” lahad ng host na si Tuesday Vargas.
“Tapos may sumagot,” pagpapatuloy niya. “I’m so sorry to break it to you but boys don’t care. It’s actually the other girl who will care more than us.’“
Kaya inusisa ni Tuesday si Faith kung ano raw ba ang pinakamasakit na nasabi sa kaniya ng kapuwa niya babae.
“Ako, malandi,” sagot ni Faith.
“Ha?” pagtataka ni Tuesday. “Porke maganda ka malandi ka na?”
“Pero kasi totoo ‘yon,” natatawang sabi ni Faith. “Kaya ako nasaktan kasi parang ‘Uy, paano niya nalaman?’”