Usap-usapan ng mga netizen ang panawagan ni DJ Chacha sa social media influencers pagdating sa kabataan, na mababasa sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Marso 1.
"Sa mga online influencer na kadalasan pinanonood ng mga kabataan, tulungan po nating i-educate sila sa mga bagay na hindi nila alam," aniya.
"Mga bagay na kapaki-pakinabang sa bansa. Make it fun & creative. Use your platform not just to entertain but also to educate."
Sa pagpapatuloy pa ng ka-tandem ni Ted Failon sa "Failon Ngayon" sa TV5, "Hindi natatapos sa loob ng bahay at sa paaralan lang ang edukasyon. Hindi natin dapat iwan ang pagtuturo sa mga magulang at mga teacher. Young people spend a lot of time online, therefore social media influencers play a large role in shaping the youth."
"Malapit na ang halalan, use your platform para ituro sa kanila ang tamang pagpili ng mga kandidatong iboboto," giit pa ng TV personality.
Sa ibang balita, kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang contestant sa segment na "Showtime Sexy Babe" sa noontime show na "It's Showtime" dahil sa hindi raw siya "knowledgeable" patungkol sa Commission on Elections o Comelec, na umani ng samu't saring reaksiyon sa netizens.
Nang tanungin ng hosts kung bakit, sinabi ng contestant na hindi raw siya nakakapanood ng telebisyon o hindi ito lumilitaw sa kaniyang social media platforms.
KAUGNAY NA BALITA: Netizens, dismayado rin: Vice Ganda, trending dahil sa contestant na 'di alam Comelec!
KAUGNAY NA BALITA: 20-anyos na 'It's Showtime Sexy Babe' contestant, ‘di alam ang Comelec; usap-usapan