Pinaratangan ang aktor at konsehal ng District 1 ng San Juan City na si Ervic Vijandre sa umano’y pananakit niya sa sariling kapatid na si Erwin Vijandre.
Sa Facebook post kasi ni Erwin kamakailan, makikita ang screenshot ng palitan nila ng komento ni Ervin kung saan binati nito ang kapatid.
“Happy birthday, Wen! God bless you more,” sabi ni Ervic.
Sagot naman ni Erwin, “Tang ina seryoso ka ba? More blessing? Baka di mo alam kung gaanong trauma ginawa mo sa pamilya ko. Lalo na sa mga anak ko.”
“Hanggang ngayon binabangungot mga bata sa kawalanghiyaan mo,” dugtong pa niya.
Bukod dito, ibinahagi rin ni Erwin ang mga larawan niya kung saan makikita ang bakas ng bugbog sa mukha niya.
Samantala, sa Facebook post naman ng asawa ni Erwin na si Jaye Vijandre ay detalyado niyang kinuwento ang nangyari.
"We kept quiet eventhough he never asked how Erwin was. He ONLY said sorry when we were at the police station and hall of justice, asking Erwin to not press charges on him. Erwin gave him the favor and still protected his ‘good’ image,” saad ni Jaye.
“After he was released from detention, my husband didn’t hear anything from him and now he’s greeting him publicly as if nothing happened," pagpapatuloy niya.
Dagdag pa niya, “He was showing off that he is happy and blessed when he gave a big time trauma to our family, not just physically but emotionally and PSYCHOLOGICALLY, especially to our kids, that is why we are making this public as we want to put an end to his hypocrisy.”
Ayon kay Jaye, napagbuntungan umano ang mister niya ng galit ni Ervic dahil sa problema nito sa pamilya.
“He was mad and he let it all out to my husband because of his conflicts with his family,” aniya.
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon si Ervic hinggil sa nasabing isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.
