Tinatayang nasa 50 bahay ang natupok sa sitio San Vicente Ferrer, Barangay Lahug, Cebu Cit, dahil daw sa napabayaang nakasinding kandila.
Ayon sa ulat ng 91.5 Brigada News FM-Davao, umabot umano sa ikalawang alarma ang sunog sa naturang residential area bago ito tuluyang naapula.
Samantala, nasa 10 bahay naman ang naiulat umanong partially burned. Ayon pa sa Cebu City Police Station, aabot sa ₱1.2 milyon ang kabuuang pinsalang iniwan ng sunog sa 70 pamilya o katumbas ng 280 indibidwal.
Lumalabas daw sa imbestigasyon na nagsimula umano ang sunog sa isang bahay kung saan nakasindi ang napabayaang kandila. Kuwento umano ng isang kapitbahay, nagsindi ng kandila ang isang lalaki sa itinuturong bahay kung saan nagmula ang apoy. Iniwan daw ito ng lalaki kasama ang asawa at nagpunta sa isa pang kapitbahay upang maglaro ng online casino games o mas kilala bilang "scatter."
Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.