April 02, 2025

Home BALITA National

VP Sara sa patutsada ni FPRRD kontra PBBM: ‘Hindi ba ako ang diktador?’

VP Sara sa patutsada ni FPRRD kontra PBBM: ‘Hindi ba ako ang diktador?’
MULA SA KALIWA: Vice President Sara Duterte, Pangulong Bongbong Marcos, at dating Pangulong Rodrigo Duterte (Facebook; file photo)

Tila pabirong nag-react si Vice President Sara Duterte sa naging pahayag ng kaniyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na “veering toward dictatorship” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tulad daw ng ama nitong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Ah, hindi ba ako ang diktador? Sabi ng mga–sabi nila ako ang diktador,” ani VP Sara sa isang panayam sa Cebu nitong Huwebes, Pebrero 27, na inulat ng Manila Bulletin.

Wala namang pinangalanan ang bise presidente hinggil sa binanggit niyang mga nagsabi raw na siya ang diktador.

Matatandaang noong Pebrero 22 nang sabihin ni FPRRD na patungo umano sa diktadurya si PBBM at hindi siya bababa sa kaniyang puwesto pagkatapos ng kaniyang termino.

National

Mga solon, senador supalpal kay Rodriguez: 'Di malayong mabankarote mga Pilipino!'

Inalmahan naman ng Malacañang ang naturang pahayag ng dating pangulo noong Pebrero 23 at tinawag itong “baseless” at “ridiculous.”

MAKI-BALITA: Malacañang, inalmahan patutsada ni FPRRD kay PBBM hinggil sa pagiging ‘diktador’

Matatandaang bago ang “girian” ng Marcos at Duterte, naging mag-running mate sina PBBM at VP Sara noong 2022 national elections kung saan nanalo sila bilang top officials ng bansa.

Noong Pebrero 5, 2025 nang iimpeach ng House of Representatives si VP Sara at nakatakda raw ang impeachment trial niya sa Senado sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso.

MAKI-BALITA: ALAMIN: Proposed calendar ni SP Chiz hinggil sa impeachment trial ni VP Sara