Magandang Balita!
Inaasahan ng Department of Energy na magkakaroon ng tapyas-presyo sa mga produktong petrolyo sa unang linggo ng Marso.
Ayon sa DOE nitong Biyernes, Pebrero 28, inaasahan nilang magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo base sa kanilang apat na araw na trading sa Mean of Platts Singapote (MOPS).
Inaasahan na bababa sa ₱0.90 hanggang ₱1.20 kada litro ang Gasolina, habang ang Diesel naman ay ₱0.90 hanggang ₱1.20 kada litro,
Samantala, aabot sa ₱1.30 hanggang ₱1.50 kada litro ang bawas-presyo ng Kerosene.