March 01, 2025

Home BALITA Metro

Rider, patay sa banggaan ng 3 motorsiklo sa Rizal

Rider, patay sa banggaan ng 3 motorsiklo sa Rizal
FILE PHOTO

Isang rider ang patay nang magkabanggaan ang tatlong motorsiklo sa Pililla, Rizal nitong Huwebes, Pebrero 27.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si alyas 'Jorel,' 23, ng Brgy. Malaya, Pililla habang sugatan naman sina alyas 'Mike,'  40, at kanyang kinakasamang si alyas 'Lynn,' 37, kapwa residente ng Caloocan City.

Pinalad naman na hindi masaktan ang isa pang rider na nadamay sa aksidente, na si alyas 'Jessie,' 43, at kanyang angkas na si alyas 'Arvin,' 31, na kapwa security guard.

Batay sa ulat ng Pililla Municipal Police Station, nabatid na dakong alas-7:27 ng umaga nang maganap ang aksidente sa Manila East Road, Sitio Bulacan 1, sa Brgy. Bagumbayan, Pililla.

Metro

LRT-2, may pa-libreng sakay at libreng gupit para sa Women's Month

Lumilitaw sa pagsisiyasat na bago ang aksidente ay binabagtas ni Jorel, lulan ng isang gray/black na Rusi motorcycle, ang Manila East Road, at sinusundan ang motorsiklo na sinasakyan nina Jessie at Arvin, na isang asul na Kawasaki Barako habang kasalubong nila ang motorsiklo na sinasakyan nina Mike at Lynn na patungo namang direksiyon ng Laguna.

Pagsapit nila sa naturang lugar, ay sumignal umano ang mga security guard na kakaliwa, patungo sa Brgy. Road sa Sitio Bulacan ngunit bigla na lang silang nasagi ng motorsiklo ni Jorel, mula sa likuran.

Dahil dito, nawalan ng kontrol sa motorsiklo si Jorel at nabangga sa kasalubong na motorsiklo nina Mike at Lynn, na isang puting Yamaha Aerox.

Sa tindi ng impact nang pagkakabangga, nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan si Jorel na ikinasawi nito habang sugatan naman sina Mike at Lynn, na nilalapatan na ng lunas sa pagamutan.