Nagbigay ng reaksiyon si Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel sa pahayag ni Social Weather Stations President Linda Guerrero hinggil sa election-related surveys.
Matatandaang ayon sa ulat ng GMA Integrated News kamakailan ay tinutulan umano ng ilang survey firms ang binabalak ng Commission on Elections (COMELEC) na sapilitang pagpaparehistro sa pagsasagawa ng election-related surveys.
“Alam n’yo po ba [...] anong porsyento po ng Pilipino ang aware sa surveys of registered voters po? 14% lang. Ang mataas po ay sa NCR [National Capital Region]. 24% are aware of surveys,” saad ni Guerrero.
Dagdag pa niya, “I will reiterate po na walang bandwagon effect ang surveys [...] Even assuming that there is a bandwagon effect, masama po ba ‘yon? Samantalang ‘yong kapit-bahay n’yo pipilitin kang ito ang iboto; ‘yong nanay n’yo, ‘yong tatay n’yo pipilitin kang ito ang iboto.”
Ngunit ayon sa Facebook post ni Manuel nitong Biyernes, Pebrero 28, “Mali ang SWS sa pagsabi na walang bandwagon effect ang election-related surveys.”
“Pwedeng gamitin ng mga sikat na kandidato ang resulta ng paid surveys (and even non-commissioned surveys) to condition the minds of voters into betting on the 'more winnable' contenders,” dugtong pa niya.