April 02, 2025

Home FEATURES

Planetary Parade: Ang sama-samang paglitaw ng 7 planeta sa kalangitan

Planetary Parade: Ang sama-samang paglitaw ng 7 planeta sa kalangitan
Pexels

‘Ika nga ng isang kanta, “the sky is full of stars,” Sa huling pagkakataon, ngayong Biyernes, Pebrero 28, 2025, ay muling masisilayan sa kalangitan ang pagsasama-sama ng pitong planeta. 

Kaya naman para sa mga astronomy enthusiasts, perfect ang araw na ito upang makita ang planetary parade na ayon sa ilang ekesperto ay sa 2040 ito mauulit. 

Ano nga ba ang planetary parade? 

Ayon kay Dr. Greg Brown ng Royal, isang astronomer sa Royal Observatory Greenwich, ang planetary parade ay nangyayari kapag ang mga planeta ay maaaring masilayan nang sabay-sabay sa kalangitan. Bagama’t hindi na rin umano bago ang planetary parade ng apat hanggang limang mga planeta, ang pagsulpot, maituturing naman daw na espesyal kung masisilayan ang mga ito nang sabay-sabay. 

Human-Interest

Employer umapela ng tulong para sa helper: 'Saklap ng health care system sa bansa natin!'

“Groups of three, four or even five planets being visible aren’t uncommon, regularly appearing throughout each year,” ani Brown. 

“But the more planets are involved, the more things need to be aligned to be visible at once. This makes full seven-planet parades fairly rare,” dagdag pa ni Brown sa panayam niya sa isang international media outlet. 

Paano nga ba masisilayan ang planetary parade? 

Inirerekomenda ng mga eksperto ang paggamit ng binocular lens at telescope upang magkaroon ng mas malinaw na pagkakataong makita ang mga planeta. Ayon sa ilang astronomers, mas maiging nasa 8-inch aperture na may 50 times magnification ang telescope upang mahagapi nito ang Uranus ring. Bukod dito, mas mainam daw kung nasa mas madilim na lugar ito titingnan. 

Sa Pilipinas, inaasahang magsisimulang matanaw ang ilang planeta mula 6:00 ng gabi. 

Samantala, sa kabila naman ng paglitaw ng Mercury, Venus, Mars, Jupiter, Saturn, Uranus at Neptune, may ilan namang nilinaw ang mga eksperto. 

Pawang ang mga planeta lamang daw ng Venus, Jupiter at Mars ang maaaring masilayan sa kalangitan ng walang ginagamit na kahit na anong binocular lens, habang ang ibang planeta naman ay may ibang kundidsyon.

“Mercury, Neptune and Saturn are all very close to the horizon in the early evening and, particularly in the case of Neptune and Saturn, will struggle to be seen in the twilight. In addition, Uranus, like Neptune, is very faint, making it almost impossible to find without a pair of binoculars or a telescope. Venus, Jupiter and Mars, however, are all very easy to see with the unaided eye,” saad ni Brown.