February 28, 2025

Home BALITA Metro

LRT-2, may pa-libreng sakay at libreng gupit para sa Women's Month

LRT-2, may pa-libreng sakay at libreng gupit para sa Women's Month
Photo courtesy: Manila Bulletin file photo

Magkakaroon ng libreng sakay at libreng gupit sa kababaihan ang Light Rail Transit (LRT-2) para sa pagdiriwang ng Women’s Month sa buwan sa darating na buwan ng Marso.

Ayon sa Manila Public Information Office, isasagawa ang libreng sakay sa Marso 8, 2025, mula 7:00-9:00 ng umaga at 5:00-7:00 ng gabi. Maaari umanong kunin ng mga babaeng pasahero ng LRT-2 ang free ticket sa ticketing booth ng bawat istasyon. 

Katuwang naman ang Philippine Commission on Women (PCW), magkakaroon din ng libreng gupit ang piling istasyon ng LRT-2 para sa first 30 passengers sa darating na Marso 12 sa Antipolo station habang sa Marso 19 at 26 naman sa Cubao station. 

Ang nasabing mga libreng serbisyo ng LRT-2 ay parte umano ng inisyatibong isinulong ng PCW, kung saan maliban sa mga serbisyo sa nasabing train station ay magkakaroon pa sila ng iba pang libreng serbisyo sa buong buwan ng Marso.

Metro

70-anyos na lola, arestado sa pagbebenta ng 'pampalaglag' sa harap ng Quiapo church

Sa darating na Marso 3, 10, 17 at 24, maaaring kumuha ng libreng civil-registration documents ang unang 100 babaeng pipila sa Philippine Statistics Authority (PSA). Libre rin ang kababaihang nagbabalak naman bumisita sa The Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Marso 8.