February 28, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaking hindi umano makabayad ng utang, sinaksak sa dibdib; patay!

Lalaking hindi umano makabayad ng utang, sinaksak sa dibdib; patay!
Photo courtesy: Pexels

Dead on arrival ang isang lalaki matapos saksakin sa dibdib ng kaniya umanong pinagkakautangan sa Pagsanjan, Laguna. 

Ayon sa ulat ng Saksi ng GMA Network noong Huwebes, Pebrero 27, 2025, tinatayang nasa ₱2,000 daw ang utang ng biktima sa suspek. Lumalabas din sa imbestigasyon na isa umanong kolektor sa small town lottery ang biktima.

Samantala, matapos ang pagtatangkang magtago, tuluyang nasakote sa manhunt operation ng mga awtoridad ang suspek.

Depensa umano ng suspek, sa halip na magbayad, ay pinagmumura pa raw siya ng biktima. Nahaharap sa reklamong murder ang suspek. 

Probinsya

Russian divers na natagpuang patay sa Batangas, inatake raw ng pating?