Inanusyo ni Bangsamoro Mufti Sheikh Abdulrauf Guialani na magsisimula ang Holy Month of Ramadan sa Pilipinas sa darating na Linggo, Marso, 2, 2025 dahil hindi raw nakita ang crescent moon nitong Biyernes ng gabi, Pebrero 28.
Sa isang pahayag, sinabi ni Guialani na nagsagawa ng moon-sighting activity ang Bangsamoro Darul-Ifta', sa pamamagitan ng mga awtorisadong grupo nito ng moon-sighters na nakatalaga sa iba't ibang strategic areas sa Bangsamoro Autonomous Region at iba pang bahagi ng bansa, nitong ika-29 ng Sha'ban 1446 H o nitong Biyernes ng hapon hanggang sa paglubog ng araw.
“With that premise and by the authority vested in me as Bangsamoro Mufti, I, Abdulrauf A. Guialani, hereby announce that the crescent moon was not sighted today,” anang Grand Mufti.
“Therefore, Ramadan Fasting 2025 will officially commence on Sunday, March 02, 2025, In Shaa Allah.
“Happy Ramadhan 1446, and may Allah shower His blessings and mercy upon us all,” dagdag pa niya.
Nag-iiba ang petsa ng pagsisimula ng Ramadan sa iba't ibang mga bansa dahil nakasalalay ito sa lunar sighting sa bawat lokasyon.
“Prophet Muhammad (peace and blessings be upon him) said: ‘Whenever you sight the new moon (of the month of Ramadan) observe fast, and when you sight it (the new moon of Shawwal) break it, and if the sky is cloudy for you, then observe fast for thirty days,” saad ni Guialani.