March 01, 2025

Home BALITA Internasyonal

Hiker na naligaw sa nagyeyelong bundok ng 10 araw, kinayang mabuhay gamit ang toothpaste

Hiker na naligaw sa nagyeyelong bundok ng 10 araw, kinayang mabuhay gamit ang toothpaste
Photo courtesy: Pexels

Matagumpay na nasagip ang isang 18 taong gulang na lalaking hiker sa China matapos umano siyang maligaw sa isang nagyeyelong bundok. 

Ayon sa ulat ng ilang international news outlet, noong Pebrero 8, 2025 nang magtungo sa bundok ang ang binata, ngunit makaraan lang daw ng dalawang araw ay nawalan na siya ng komunikasyon sa kaniyang pamilya nang mawalan ng battery ang kaniyang electronic devices. 

Nagtamo rin ang binata ng bali sa kaniyang braso, matapos siyang mahulog sa kabundukan bunsod umano ng makakapal na yelo at malamig na panahon sa lugar. Upang manatiling buhay sa loob ng 10 araw, pawang toothpaste at tubig sa ilog ang tanging naging pagkain niya. 

“The wind was so strong that I could barely maintain my footing, even with two alpenstocks for support. The snow was so heavy that I could hardly open my eyes,” anang binata sa panayam niya sa media. 

Internasyonal

Lalaki sa Indiana, makukulong ng 105 taon

Ayon pa sa ilang local media sa China, tinatayang nasa 50 hikers na raw ang naiulat na nawala at nasawi sa pag-akyat nila sa naturang bundok. 

Samantala, tuluyan namang nailigtas ang binata matapos matanaw ng rescuers ang usok na nanggaling sa mismong lokasyon niya.