Umabot sa anim na katao ang sugatan matapos gumuho ang bagong gawang tulay sa Barangay Casibarag Norte, Cabagan, Isabela nitong Huwebes ng gabi, Pebrero 27.
Kabilang sa mga sugatan ay dalawang bata.
Bandang alas-8 ng gabi, apat na sasakyan—isang trak, dalawang Sports Utility Vehicles, at isang motorsiklio—ang tumatawid sa tulay at bumagsak sa ilog.
Ayon sa pahayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region 2 nitong Biyernes, Pebrero 28, na ang pagguho ng bahagi ng tulay ay dahil sa pagdaan ng dump truck.
"The 3rd Span (from Cabagan side) with a length of 60m of the Arch bridge of Cabagan-Sta. Maria Birdge, along Cabagan-Sta. Maria Road, Isabela, collapsed when a dump truck carrying boulders with a calculated approximate gross vehicle weight (GVW) of around 102 tons passed on it," anang DPWH-Region 2.
Gayunman, patuloy na nagsasagawa ng pagsusuri ang DPWH-Region 2 sa nangyaring insidente.
"Further analysis on the cause of failure is still on-going and DPWH Region 2 has requested experts afrom the Bureau of Design and Bureau of Construction in the Central Office to conduct further evaluation and assessment," saad pa ng kagawaran.
Ang Cabagan-Santa Maria Bridge ay sinimulan ng DPWH noong Nobyembre 2014 at natapos nito lamang Pebrero 2025, kung saan ang kabuuang halaga ng proyekto mula sa tulay at approaches ito ay may pondong P1,225,537,087.92.