Usap-usapan ngayon sa social media ang naging pag-amin ng 20-anyos na contestant ng “It’s Showtime Sexy Babes” na hindi niya alam ang Commission on Elections (Comelec) at hindi pa raw siya nakakaboto.
Sa weekly finals ng segment ng “It’s Showtime” na “Sexy Babes” na umere nitong Biyernes, Pebrero 28, tinanong ang contestant no. 4 na si Heart Aquino sa question-and-answer portion ng: “Ano ang mensahe mo sa Comelec?”
“Sorry po, hindi po ako masyadong knowledgeable about sa Comelec,” ani Heart.
Doon muling tinanong ng hosts kung ilang taon na ang contestant, bagay na sinagot niya ng: “20 po.”
“Oh my gosh, that's bothersome,” pag-react naman ng host na si Vice Ganda.
“Hindi ka ba bumoboto?” tanong naman ni Kim Chu.
“Hindi pa po,” sagot ni Heart. “Opo, hindi pa po.”
“Sa susunod na eleksyon bumoto ka,” ani Kim.
“So paano, wala kang sagot?” pagbabalik naman ni Vice hinggil sa nabunot ng contestant na katanungan.
“Ano ba? Hindi po masasagot ito ngayon…” ani Heart, dahilan kaya’t tinanong ng hosts kung hindi raw ba niya naririnig ang Comelec sa telebisyon, o kaya naman ay sa dyaryo, internet o social media.
“Wala po kaming TV. Hindi po rin masyadong lumilitaw sa Facebook,” sagot naman ni Heart.
“So sinong may kasalanang hindi ka informed?” pag-usisa ni Vice.
“Ako po,” tila natatawang saad ng contestant.
“Yung Comelec, sila yung nag-aayos bago mag-eleksyon. Para sa mga kandidato,” pagpapaliwanag naman ni Jhong Hilario.
“Sila ang may kinalaman sa lahat ng kaganapan tungkol sa eleksyon sa Pilipinas,” pagsegunda ni Vice.
Doon na sinagot ng contestant ang katanungang ng: “Siguro yung message ko po sa kanila: Let's be fair po dahil po meron tayong mga, kahit barangay lang ‘yan, yung mga bayad. Bayad-bayad ng votes. So let's be fair po siguro, dahil deserve natin yung uupo na talagang merong maibibigay sa atin, na meron talagang–lahat tayo sa community–na mapakikinabangan. At hindi ganern. Yun po, thank you po.”
Samantala, naging usap-usapan sa X ang nasabing episode ng noontime show, kung saan ilang mga netizens ang nagsabing tila “bothersome” nga raw na hindi alam ng contestant ang tungkol sa Comelec sa kabila ng nasa edad na ito.
Narito ang ilang tweet ng mga netizen:“Jusko. Paano niya nakayanan na sabihin 'yan tapos sa national tv pa? Yung level na ka dedmahan niya abt comelec, election or politics ay sumobra sa taas na nagiging shameless na siya. Nakakahiya!”
“Weird di kayo inobliga ng magulang nyo magparegister sa comelec???Legal age kana lol.”
“Felt meme vice’s “oh my gosh that’s bothersome” to my bones because… that’s indeed so bothersome??? wdym wa ka kabalo unsay comelec ?????”
“Watching the trending video of a SexyBabe who is not aware what COMELEC is/does made me sad. It only proves na may ilang taong walang initiative to learn about the current issues in PH.”
“Yung pagiging botante, responsibilidad na yan ng tao. Tanda ko pa na pinapila ako ng tatay ko sa COMELEC para magparehistro sa SK kahit sobrang haba nung pila..”
“How's this even possible? Two decades and still breathing pero never heard of comelec? Or maybe it's an excuse kasi di ka prepared enough sa mabibigay mong sagot? Everything about this is absurd.”
“Ngayon n’yo sabihin na walang education crisis sa pilipinas.”