February 27, 2025

Home BALITA Eleksyon

Sen. Risa, kumpiyansang muling makakabalik sa Senado sina Kiko at Bam

Sen. Risa, kumpiyansang muling makakabalik sa Senado sina Kiko at Bam
Photo courtesy: Kiko Pangilinan, Risa Hontiveros, Bam Aquino/Facebook

May tiwala umano si Sen. Risa Hontiveros na kayang makabalik nina senatorial aspirants Atty. Kiko Pangilinan at Bam Aquino sa Senado sa paparating na 2025 midterm elections. 

Sa pagharap niya sa media noong Miyerkules, Pebrero 26, 2025, iginiit ng senadora na may "fighting chance" daw sina Pangilinan at Aquino.

"May fighting chance si former Senator Kiko Pangilinan at former Senator Bam Aquino," ani Hontiveros.

Dagdag pa niya, nakahanda rin daw silang paghirapan ang pagpasok sa "magic 12" sa eleksyon. 

Eleksyon

Donny Pangilinan, inendorso si Atty. Kiko Pangilinan

"Pero talagang paghihirapan namin ito dahil mabigat ang mga nasa ulunan nila sa mga surveys at very, very well-funded yung mga nasa paanan nila sa lahat ng surveys," anang senadora. 

Nabanggit din ni Hontiveros na ikinalungkot niya ang pagtatapos ng termino ng kapuwa niya oposisyon sa Senado na si Senate Minority Leader Sen. Koko Pimentel. 

“Wala po akong balak na maging isa lamang dahil sa kinalulungkot ko ng pag-term out ni Senate Minority Leader, Senator Koko Pimentel na namimiss ko na at wish ko lang maging tatlo kami sa susunod na Senate Minority ni Senators Kiko at Bam," anang senadora.