February 27, 2025

Home BALITA National

Kinidnap na foreign student, pinutulan ng daliri nang 'di magbigay ng ransom mga magulang sa mga kidnapper

Kinidnap na foreign student, pinutulan ng daliri nang 'di magbigay ng ransom mga magulang sa mga kidnapper
photo courtesy: unsplash (left), DILG

Natagpuan sa Macapagal Avenue sa Parañaque City ang naiulat na kinidnap na 14-anyos Chinese student na nag-aaral sa isang exclusive school sa Taguig City, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), MIyerkules, Pebrero 26.

Noong Pebrero 20, kinidnap ang bata habang pauwi ito galing eskuwelahan matapos dumalo sa school activity. Ayon sa mga ulat, sinundo umano ng driver ang bata. 

Pebrero 21 nang ireport ng mga magulang ng bata ang pagkawala ng kanilang anak. Kalauna'y natagpuan umano ang sasakyang sumundo sa bata sa San Rafael, Bulacan ngunit patay na ang driver nito. 

Nakatanggap ng tawag ang mga magulang mula sa mga kidnapper at nanghihingi umano ng $20 milyong ransom. Tumanggi silang magbigay kaya no'ng Pebrero 22, nakatanggap umano sila ng video kung saan pinuputulan ng daliri ang bata.

National

Malacañang, inalmahan pahayag ni VP Sara na may karapatan mga Pinoy na magalit sa gov’t

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, nanghingi ng proof of life ang mga magulang ng bata sa mga kidnapper. 

"Yung proof of life ay pinakita yung bata na kumakanta ng paboritong awitin ng kaniyang nakababatang kapatid. Kumanta yung bata, nakangiti naman at mula sa video na 'yan mukhang in good health," aniya.

Noong Lunes, Pebrero 24, nalaman ng mga awtoridad ang lokasyon ng mga kidnapper dahil sa signal ng kanilang cellphone. 

At noong Martes ng gabi, Pebrero 25, nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga awtoridad at natagpuan ang bata sa Macapagal Avenue sa Parañaque City. Gayunman, hindi nila naabutan ang mga kidnapper. 

Samantala, ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa hiwalay na panayam noon ding Miyerkules, Pebrero 26, naibalik na sa kaniyang pamilya ang estudyante at dinala raw ito sa ospital para sa medical examination. 

“The minor was brought to St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City for a medical examination to ensure his well-being after he was safely recovered,” saad ni Marbil. 

Nilinaw din ng PNP chief na wala raw binayarang ransom sa nangyaring kidnapping. 

"This rescue is a testament to our police force’s dedication to protecting all individuals within our borders. We will not allow criminal elements to instill fear in our communities," dagdag pa ng PNP chief.

Ayon pa kay Marbil ang lumilitaw na motibasyon ng kidnapping ay ang mga nakaraang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa. Base sa intelligence reports ng AKG, kasangkot umano ang isa sa mga miyembro ng pamilya ng kinidnap na estudyante sa POGO at high-stakes e-commerce dealings.

“Further investigations are underway to determine the circumstances surrounding the case and identify those responsible. The PNP urges the public to remain vigilant and report any suspicious activities to authorities,” saad ni Marbil.

Dagdag pa niya, “We will continue to strengthen our intelligence-gathering and operational capabilities to prevent similar incidents. The safety of every resident—Filipino or foreign—is our top priority."

Tinutugis na ngayon ng awtoridad ang mga kidnapper.