Ipinakita ni Senate President Chiz Escudero sa kaniyang sulat sa mga senador nitong Huwebes, Pebrero 27, ang kaniyang panukalang timetable para sa impeachment trial ng Senado laban kay Vice President Sara Duterte.
Narito ang flow ng proposed calendar ni Escudero sa impeachment trial ng Senado na magsisimula umano sa pagpapatuloy ng kanilang sesyon.
Hunyo 2, 2025 - Pagpapatuloy ng sesyon; presentasyon ng prosecutors ng Articles of Impeachment; at Approval ng revised Rules of Procedure ng Impeachment Trials (3:00 p.m.)
Hunyo 3, 2025 - Pagpupulong ng Impeachment Court at oath-taking ng incumbent Senator-judges (9:00 a.m.)
Hunyo 4, 2025 - Issuance of summons
Hunyo 14 hanggang 24, 2025 - Reception of pleadings
Hunyo 24 hanggang Hulyo 25, 2025 - Pre-Trial
Hulyo 28, 2025 - Inaugural session ng Senate of the 20th Congress (10:00 a.m.); Joint Session ng Kongreso upang dinggin ang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos (4:00 p.m.)
Hulyo 29, 2025 - Oath-taking ng newly-elected Senator-judges sa Senate sitting bilang Impeachment Court (9:00 a.m); Plenary session ng Senado (3:00 p.m)
Hulyo 30, 2025 - Pagsisimula ng trial (9:00 a.m. hanggang 2:00 p.m.)
Sinabi rin naman ni Escudero na hindi pa umano “final” ang naturang schedule.
Matatandaang noong Pebrero 5, 2025—ang huling araw ng sesyon ng Kongreso—nang ipadala ng House of Representatives sa Senado ang naipasang impeachment case laban kay Duterte matapos pumirma rito ang 215 mga kongresista.