February 27, 2025

Home BALITA Metro

70-anyos na lola, arestado sa pagbebenta ng 'pampalaglag' sa harap ng Quiapo church

70-anyos na lola, arestado sa pagbebenta ng 'pampalaglag' sa harap ng Quiapo church
Photo courtesy: Pexels

Naaresto ng pulisya ang isang 70 taong gulang na lola dahil sa pagbebenta ng umano'y "pampalaglag" ng sanggol sa harapan ng Quiapo church sa Maynila. 

Ayon sa ulat ng Balitanghali ng GMA Network nitong Huwebes, Pebrero 27, 2025, mismong mga tauhan umano ng simbahan ang nagsumbong sa pulisya, tungkol sa transaksyon ng suspek. 

Sa isinagawang buy bust operation ng Intelligence Division ng Manila Police District, natimbog ang ilegal na pagbebenta ng mga pampalaglag ng suspek, kasama ang kaniyang pamangkin. 

Lumalabas din umano sa imbestigasyon na dati ring kagawad ang  suspek at minsan na ring nakulong dahil pa rin sa pagbebenta ng ilegal na gamot. 

Metro

5 katao, timbog sa illegal drag racing event

Sa panayam ng media kay Pltcol. John Guiagui, sinabi niyang natimbog daw nila ang suspek noon kasama ang isang foreign national habang nagaganap ang naturang bentahan. 

"Kasama ng isang foreign national na nagbebenta rin. And then we arrested her again, ngayon, for the same violation" ani Guiagui. 

Tinatayang nasa ₱1,000 hanggang ₱3,500 ang bentahan ng sinasabing abortion pills, kung saan napag-alaman ding pawang mga estudyante umano ang kalimitang customer ng suspek. 

Pawang foreign national na may asawang Pinay daw ang siyang supplier ng suspek. 

Samantala, labis naman ang pagsisisi ng pamangkin ng suspek na iginiit na hindi niya raw alam na makukulong sila. 

Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009.