Inilunsad ng mga tribal leader mula sa iba’t ibang tribo sa Davao City ang United Moro and Indigenous People (UMIP) Movement nitong Miyerkules, Pebrero 26.
Sa ulat ng Edge Davao sa pareho ring petsang binanggit, ang UMIP umano ay tumitindig bilang nagkakaisang tinig ng mga Moro at iba pang katutubo sa Davao.
Nilalayon umano ng kilusan na ipagpatuloy at pangalagaan ang “Duterte Legacy,” na itinataguyod ang kapakanan at karapatan ng Moro at Katutubong pamayanan tungo sa pangmatagalang kaunlaran sa Davao at iba pang lugar.
Si Gabriel F. Nakan ng Maguindanaon Tribe ang nagsisilbing chairman o convenor ng UMIP.