February 26, 2025

Home BALITA National

PBBM may bilin sa kabataan: 'Ipagpatuloy ang itinurong kaalaman ng matatanda'

PBBM may bilin sa kabataan: 'Ipagpatuloy ang itinurong kaalaman ng matatanda'
Photo courtesy: screenshot from RTVM/Facebook

May mensahe si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para sa kabataan hinggil sa pangangalaga raw sa kaalamang itinuro ng mga nakatatanda.

Sa kaniyang talumpati para sa Inaugural Cash Gift Distribution to the Qualified Beneficiaries of the Expanded Centenarians Act of 2024 nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2025, sinabi ni PBBM na ang kabataan ang siyang magpapatuloy sa mga itinuro aniya ng mga matatanda.

“Para sa ating mga kabataan, kayo ang mag-aaruga sa magpapatuloy ng kaalamang itinuturo ng mga nauna sa atin,” anang Pangulo.

Dagdag pa niya, “Gamitin ninyo ito upang makapagbuo ng mas maliwanag na kinabukasan.”

National

DILG Sec. Remulla, wala raw kinalaman sa 'traffic law violation' ni PNP Chief Marbil

May mensahe rin ang Pangulo sa pamilyang Pilipino hinggil sa pangangalaga sa mga matatanda. 

“Ipagdiwang ninyo ang bawat sandaling kapiling sila. Ipakita ninyo ang malasakit, dahil darating ang panahon na kayo din ang maghahanap ng respeto at kalinga mula sa inyong anak o apo,” saad ni PBBM.

Tinatayang aabot sa ₱2.9 bilyon ang nakatakdang kabuuang budget na ipamamahagi ng pamahalaan para sa mga  centenarians kabilang ang mga senior citizen na nasa edad 80, 85, 90 at 95. 

Matatandaang nauna nang Ihayag ng commissioner at officer-in-charge National Commission of Senior Citizens (NCSC) na si Dr. Mary Jean Loreche na maaari nang makatanggap ng ₱10,000 ang lahat ng senior citizens sa bansa na nasa edad na nasa “milestone ages.” 

KAUGNAY NA BALITA: ₱10K, maaaring makuha ng ilang senior citizens na nasa edad 80, 85, 90, at 95-anyos